Dahil araw ng kalayaan ngayun, isusulat ko ang entry na ito sa ating pambansang wika. Pero hindi ibig sabihin ay purong Tagalog na ang aking gagamitin dahil hindi ko parin maiiwasan ang gumamit ng ingles. Kaya, ang entry na ito (tulad ng entry, hindi ko maisip kung ano ang tagalog ng salitang ito) ay magiging tag-lish.
Well, madaming nagyari sa akin nitong mga nakaraang araw, nakakalimutan at kinatatamaran ko lang mag blog dahil unang una, meron akong raket ngayun. Meron akong sideline, isang online job. Isa akong part-time ghost writer at transcriber. Hindi naman ganoon kalaki ang kita pero maaari ng pansustento sa aking mga simpleng luho at kapritcho sa buhay na hindi kayang ibigay sa akin ng aking mga magulang. Syempre mahirap lang kami. hehe. At tsaka ayus din syang pamatay ng oras, nakakainip kasi kung minsan. Pero ngayung pasukan na, malamang maging busy na naman ako.
Pangalawa, tinatamad akong magsulat kung paminsan kaya puro surfing na lang ginagawa ko hindi ako nakakapag blog. Pero mula ngayun mag uupdate na talaga ako ng blog ng madalas.
Yun lang naman ang dalawang dahilan kung bakit hindi ako nakapag blog.
So ayun, nagsimula na ang pasukan. Syempre sa unang araw ng eskuwela eh pumasok na talaga ako. Medyo excited pa nga ako eh, pano ba naman ito na ang huli kong sem sa school at sa wakas magiging unemployed na din ako. Oops, wag naman sana matagal ang pagiging unemployed ko. Meron akong prospect na aaplyan pero tsaka ko na lang sasabihin, baka ma jinx pa.
Karamihan sa mga kaklase ko ay mga nakaklase ko na din last sem. May mga bagong mukha, pero walang gwapo ano ba yan. Haha. Wala na yata yun mga crush ko nagsipag graduate na, sayang. Sa bawat subject na papasukan namen ay medyo suspense pa dahil surprise kung sino sino ang makakaklase namen at syempre suspense din kung sino ang aming magiging guro. So far so good naman, pwera lang dun sa isang subject ko na ang aking guro ay medyo matanda na at sobrang hina ng boses na parang malalagutan na ng hininga sa tuwing sya ay magsasalita. Mabuti pang naging guro na lang namen eh yung nasa kabilang room. Mas gusto ko sya kahit na kabado ka sa tuwing papasok sa klase nya at hindi pwedeng hindi ka nag-aral ng iyong lesson. Well, pwede naman hindi mag-aral, hindi ka naman nya ipapahiya pero ako nahihiya ako kapag ganun dahil wala akong alam. Noong naging guro ko sya ng 2 beses sa magka-sunod na sem eh hindi pa naman nangyari ang hindi ako nakasagot sa klase nya. Lagi akong handa syempre. At tingin ko peyborit nya ako eh kaya gusto ko sya. hahaha.
At tsaka pala gagawa na naman kami ng thesis, this time dugo’t pawis na ang puhunan. Grabe medyo kinakabahan ako. Adik mga ka group ko ako na naman ang lider. Anong tingin nila sa akin magaling?! Aba, nagkakamali sila, wala akong mabuting magagawa para sa lintek na thesis na yan. Parang mas gusto ko pa na mag OJT na lang ako kesa mag thesis. Ganito kasi yan, last sem lahat ng mga graduating na management students eh kailangan mag take ng aptitude exam at doon ibabase sa resulta ng exam kung ikaw ba ay mag oOJT o mag ti-thesis. Ayun sa kasamaang palad mag ti-thesis ako. 43 lang kame na mag ti-thesis and the rest OJT na. Mahigit kumulang 200 na estudyante yata ang napunta sa OJT. Sana maging maganda ang kinalalabasan ng thesis namen.
Nung isang araw naman pumunta kami ng LTO ng kaibigan ko (yun kaibigan kong pinaghihinalaan na bf ko pero hinde, sus) para kumuha ng license. Ang aga aga kong nagising grabe tapos pagdating dun sobrang dami ng tao. Sa dinami dami ng tao dun ni isa walang cute hehe. Hindi na ako kumuha ng license sya na lang. Hindi pa naman talaga ako marunong mag drive at medyo takot pa ako kaya baka hindi ko rin magamit. Sayang, nakakainis. Yun isang kotse namen dito wala naman gumagamit, edi sana ako na lang kung lang sana na papractice ako mag drive. Hindi kasi ako nakaka practice driving, engot kasi dad ko eh. So yun, hindi naman sya nakakuha that day sobrang dami nga kasi ng tao tsaka may pasok pa ako ng hapon. Umalis na din kami, habang pauwi sa sobrang pagod ko medyo nakatulog ako habang nag ddrive sya.
Pupunta na nga pala ang kaibigan nameng si Kurt sa states. Nag swimming kami noong Friday. May pasok ako noon kaya buong araw ko dala dala sa school ang malaki kong bag na puno ng kung ano ano. Nag skirt pa ako at wedge mantakin mo. Akyat baba ako sa mga building na ganun ang outfit. Wala namang kaso yun outfit pero ang nakakainis eh yung may dala dala akong pagka laki laking bag. Enjoy naman yung swimming, ang ganda ng room namen although yung mga pool sa Villa Antonina eh hindi gaanong kagandahan. Ang maganda pa doon pwede kami mag videoke kahit magdamagan. noon kasing sa Villa alfredos hanggang alas dose lang ang videoke para daw hindi mabulahaw ang mga natutulog. Eh nakakabitin naman yun, nagsisimula pa lang ang inuman sa mga ganoong oras. Ang bad trip lang eh naubusan kami ng 5 peso coins! Nakakainis talaga eh feel na feel ko na pa naman bumirit at maghihiyaw doon. Ang ginawa namen eh nagkwentuhan na lang ano pa nga ba!
Tapos kahapon nagpunta na naman kami kina Kurt, get together for the last time sa kanilang bahay. Nagluto sya ng pasta at garlic bread. Ngayun kasi ang alis nya papuntang States. Mamyang 10:30 ng gabi yun flight nya.
Kumustahin naman naten ang love life ko. Ayun, feeling ko na naman pagka haba haba ng buhok ko. Ano ba yan. Minsan nakakatuwa, minsan nakakainis din yung madaming nakaka appreciate sayo. Well, so far wala pa akong natitipuhan. May mga tinataguan pa nga ako, grabe nakakahiya. Kapal ko na. Paki sapak na nga ako please. May topak na ata ako.
Napahaba ata itong entry na to. Na miss ko kasi mag blog.
Yan, maligayang araw ng kalayaan, mabuhay ang Pilipinas at sana magka boypren na ko!
Apir!